7Ang lahat ng galit sa akin ay masama ang iniisip tungkol sa akin, at pinagbubulung-bulungan nila ito.
8Sinasabi nila, “Malala na ang karamdaman niyan, kaya hindi na ʼyan makakatayo!”
9Kahit ang pinakamatalik kong kaibigan na kasalo ko palagi sa pagkain at pinagkakatiwalaan, nagawa akong pagtaksilan!
10Ngunit kayo Panginoon, akoʼy inyong kahabagan. Pagalingin nʼyo ako upang makaganti na ako sa aking mga kaaway.
11Alam kong kayoʼy nalulugod sa akin, dahil hindi ako natatalo ng aking mga kaaway.