5Ang aking mga kaaway ay nagsasalita laban sa akin. Sinasabi nila, “Kailan ba siya mamamatay upang makalimutan na siya?”
6Kapag dumadalaw sila sa akin, nagkukunwari silang nangungumusta, pero nag-iipon lang pala sila ng masasabi laban sa akin. Kapag silaʼy lumabas na, ikinakalat nila ito.
7Ang lahat ng galit sa akin ay masama ang iniisip tungkol sa akin, at pinagbubulung-bulungan nila ito.
8Sinasabi nila, “Malala na ang karamdaman niyan, kaya hindi na ʼyan makakatayo!”
9Kahit ang pinakamatalik kong kaibigan na kasalo ko palagi sa pagkain at pinagkakatiwalaan, nagawa akong pagtaksilan!