Awit 42

Bakit nga ba ako nalulungkot at nababagabag? Dapat magtiwala ako sa inyo. Pupurihin ko kayong muli, aking Diyos at Tagapagligtas!

Psalm 42:5 (UKJV) Why are you cast down, O my soul? and why are you disquieted in me? hope you in God: for I shall yet praise him for the help of his countenance.

3Araw-gabiʼy luha ko lang ang aking pagkain, habang sinasabi sa akin ng aking mga kaaway, “Nasaan na ang Diyos mo?”

4Sumasama ang loob ko kapag naaalala ko na dati ay pinangungunahan ko ang maraming tao na pumupunta sa bahay ng Diyos. At kami ay nagdiriwang, sumisigaw sa kagalakan at nagpapasalamat sa inyo.

5Bakit nga ba ako nalulungkot at nababagabag? Dapat magtiwala ako sa inyo. Pupurihin ko kayong muli, aking Diyos at Tagapagligtas!

6Nanghihina ang loob ko. Akoʼy parang tinabunan nʼyo ng malalaking alon, na umuugong na parang tubig sa talon. Kaya dito ko muna kayo inaalala sa paligid ng Ilog Jordan at Hermon, sa Bundok ng Mizar.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.