Awit 42

Araw-gabiʼy luha ko lang ang aking pagkain, habang sinasabi sa akin ng aking mga kaaway, “Nasaan na ang Diyos mo?”

Psalm 42:3 (UKJV) My tears have been my food day and night, while they continually say unto me, Where is your God?

1Tulad ng usang sa tubig ng ilog ay nasasabik, O Diyos, ako sa inyoʼy nananabik.

2Akoʼy nauuhaw sa inyo, Diyos na buháy. Kailan pa kaya ako makakatayo sa presensya nʼyo?

3Araw-gabiʼy luha ko lang ang aking pagkain, habang sinasabi sa akin ng aking mga kaaway, “Nasaan na ang Diyos mo?”

4Sumasama ang loob ko kapag naaalala ko na dati ay pinangungunahan ko ang maraming tao na pumupunta sa bahay ng Diyos. At kami ay nagdiriwang, sumisigaw sa kagalakan at nagpapasalamat sa inyo.

5Bakit nga ba ako nalulungkot at nababagabag? Dapat magtiwala ako sa inyo. Pupurihin ko kayong muli, aking Diyos at Tagapagligtas!

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.