1Tulad ng usang sa tubig ng ilog ay nasasabik, O Diyos, ako sa inyoʼy nananabik.
2Akoʼy nauuhaw sa inyo, Diyos na buháy. Kailan pa kaya ako makakatayo sa presensya nʼyo?
3Araw-gabiʼy luha ko lang ang aking pagkain, habang sinasabi sa akin ng aking mga kaaway, “Nasaan na ang Diyos mo?”