Awit 42

Sa araw, Panginoon, ipinapakita nʼyo ang inyong pag-ibig. Kaya sa gabi, umaawit ako ng aking dalangin sa inyo, O Diyos na nagbigay ng buhay ko.

Psalm 42:8 (UKJV) Yet the LORD will command his loving kindness in the day time, and in the night his song shall be with me, and my prayer unto the God of my life.

6Nanghihina ang loob ko. Akoʼy parang tinabunan nʼyo ng malalaking alon, na umuugong na parang tubig sa talon. Kaya dito ko muna kayo inaalala sa paligid ng Ilog Jordan at Hermon, sa Bundok ng Mizar.

8Sa araw, Panginoon, ipinapakita nʼyo ang inyong pag-ibig. Kaya sa gabi, umaawit ako ng aking dalangin sa inyo, O Diyos na nagbigay ng buhay ko.

9O Diyos, na aking batong kanlungan, akoʼy nagtatanong, “Bakit nʼyo ako kinalimutan? Bakit kinakailangan pang magdusa ako sa pang-aapi ng aking mga kaaway?”

10Para bang tumatagos na sa aking mga buto ang pang-iinsulto ng aking mga kaaway. Patuloy nilang sinasabi, “Nasaan na ang Diyos mo?”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.