Awit 43

Kayo ang Diyos ang aking tanggulan, bakit nʼyo ako itinakwil? Bakit kailangan pang magdusa ako sa pang-aapi ng aking mga kaaway?

Psalm 43:2 (UKJV) For you are the God of my strength: why do you cast me off? why go I mourning because of the oppression of the enemy?

1O Diyos, patunayan po ninyong akoʼy walang kasalanan, at akoʼy inyong ipagtanggol sa mga hindi matuwid. Iligtas nʼyo ako sa mga mandaraya at sa mga masasama.

2Kayo ang Diyos ang aking tanggulan, bakit nʼyo ako itinakwil? Bakit kailangan pang magdusa ako sa pang-aapi ng aking mga kaaway?

3Paliwanagan nʼyo ako at turuan ng inyong katotohanan, upang akoʼy magabayan pabalik sa inyong Templo sa banal na bundok.

4Nang sa gayoʼy makalapit ako sa inyong altar, O Diyos, na nagbibigay galak sa akin. At sa pamamagitan ng pagtugtog ng alpa ay pupurihin ko kayo, O aking Diyos.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.