Awit 43

Nang sa gayoʼy makalapit ako sa inyong altar, O Diyos, na nagbibigay galak sa akin. At sa pamamagitan ng pagtugtog ng alpa ay pupurihin ko kayo, O aking Diyos.

Psalm 43:4 (UKJV) Then will I go unto the altar of God, unto God my exceeding joy: yea, upon the harp will I praise you, O God my God.

2Kayo ang Diyos ang aking tanggulan, bakit nʼyo ako itinakwil? Bakit kailangan pang magdusa ako sa pang-aapi ng aking mga kaaway?

3Paliwanagan nʼyo ako at turuan ng inyong katotohanan, upang akoʼy magabayan pabalik sa inyong Templo sa banal na bundok.

4Nang sa gayoʼy makalapit ako sa inyong altar, O Diyos, na nagbibigay galak sa akin. At sa pamamagitan ng pagtugtog ng alpa ay pupurihin ko kayo, O aking Diyos.

5Bakit nga ba ako nalulungkot at nababagabag? Dapat magtiwala ako sa inyo. Pupurihin ko kayong muli, aking Diyos at Tagapagligtas!

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.