17Ang lahat ng ito ay nangyari sa amin kahit na kami ay hindi nakalimot sa inyo, o lumabag man sa inyong kasunduan.
18Hindi kami tumalikod sa inyo, at hindi kami lumihis sa inyong pamamaraan.
19Ngunit kami ay inilugmok nʼyo at pinabayaan sa dakong madilim na tinitirhan ng mga asong-gubat.
20O Diyos, kung kayo ay nakalimutan namin, at sa ibang diyos kami ay nanalangin,
21hindi baʼt iyon ay malalaman nʼyo rin? Dahil alam nʼyo kahit ang mga lihim sa isip ng tao.