4Ipahayag na ang inyong kadakilaan! Maging matagumpay kayo na may katotohanan, kapakumbabaan at katuwiran. Gumawa kayo ng mga kahanga-hangang bagay sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan.
5Patamaan nʼyo ng matatalim nʼyong palaso ang puso ng inyong mga kaaway. Babagsak ang mga bansa sa inyong paanan.
6O Diyos, ang inyong kaharian ay magpakailanman at ang inyong paghahari ay makatarungan.
7Kinalulugdan ninyo ang gumagawa ng matuwid at kinamumuhian ninyo ang gumagawa ng masama. Kaya pinili ka ng Diyos, na iyong Diyos, at binigyan ng kagalakang higit sa ibinigay niya sa mga kasama mo.
8Ang mga damit nʼyo ay pinabanguhan ng mira, aloe at kasia. Sa inyong palasyo na nakakasilaw sa ganda, nililibang kayo ng mga tugtugin ng alpa.