2Mahal na Hari, kayo ang pinakamagandang lalaki sa lahat. At ang mga salita nʼyo ay nakabubuti sa iba. Kaya lagi kayong pinagpapala ng Diyos.
3Marangal na hari na dakilang mandirigma! Isukbit nʼyo sa inyong tagiliran ang inyong espada.
4Ipahayag na ang inyong kadakilaan! Maging matagumpay kayo na may katotohanan, kapakumbabaan at katuwiran. Gumawa kayo ng mga kahanga-hangang bagay sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan.
5Patamaan nʼyo ng matatalim nʼyong palaso ang puso ng inyong mga kaaway. Babagsak ang mga bansa sa inyong paanan.
6O Diyos, ang inyong kaharian ay magpakailanman at ang inyong paghahari ay makatarungan.