Awit 45

Mahal na Hari, kayo ang pinakamagandang lalaki sa lahat. At ang mga salita nʼyo ay nakabubuti sa iba. Kaya lagi kayong pinagpapala ng Diyos.

Psalm 45:2 (UKJV) You are fairer than the children of men: grace is poured into your lips: therefore God has blessed you for ever.

1Punong-puno ng magagandang salita ang aking puso habang akoʼy bumibigkas ng mga tula para sa hari. Ang aking kakayahan sa pagsasalita ay katulad ng kakayahan ng isang magaling na makata.

2Mahal na Hari, kayo ang pinakamagandang lalaki sa lahat. At ang mga salita nʼyo ay nakabubuti sa iba. Kaya lagi kayong pinagpapala ng Diyos.

3Marangal na hari na dakilang mandirigma! Isukbit nʼyo sa inyong tagiliran ang inyong espada.

4Ipahayag na ang inyong kadakilaan! Maging matagumpay kayo na may katotohanan, kapakumbabaan at katuwiran. Gumawa kayo ng mga kahanga-hangang bagay sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.