Awit 45

Punong-puno ng magagandang salita ang aking puso habang akoʼy bumibigkas ng mga tula para sa hari. Ang aking kakayahan sa pagsasalita ay katulad ng kakayahan ng isang magaling na makata.

Psalm 45:1 (UKJV) My heart is composing a good matter: I speak of the things which I have made concerning the king: my tongue is the pen of a ready writer.

1Punong-puno ng magagandang salita ang aking puso habang akoʼy bumibigkas ng mga tula para sa hari. Ang aking kakayahan sa pagsasalita ay katulad ng kakayahan ng isang magaling na makata.

2Mahal na Hari, kayo ang pinakamagandang lalaki sa lahat. At ang mga salita nʼyo ay nakabubuti sa iba. Kaya lagi kayong pinagpapala ng Diyos.

3Marangal na hari na dakilang mandirigma! Isukbit nʼyo sa inyong tagiliran ang inyong espada.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.