4Pinili niya para sa amin ang lupang ipinangako bilang aming mana. Itoʼy ipinagmamalaki ni Jacob na kanyang minamahal.
5Umupo sa kanyang trono ang Panginoon na ating Diyos, habang ang mga taoʼy nagsisigawan at ang mga trumpetaʼy tumutunog.
6Awitan ninyo ang Diyos ng mga papuring awit. Awitan ninyo ang ating hari ng mga papuring awit.
7Dahil ang Diyos ang siyang Hari sa buong mundo. Umawit kayo sa kanya ng mga awit ng pagpupuri.
8Ang Diyos ay nakaupo sa kanyang trono at naghahari sa mga bansa.