5Umupo sa kanyang trono ang Panginoon na ating Diyos, habang ang mga taoʼy nagsisigawan at ang mga trumpetaʼy tumutunog.
6Awitan ninyo ang Diyos ng mga papuring awit. Awitan ninyo ang ating hari ng mga papuring awit.
7Dahil ang Diyos ang siyang Hari sa buong mundo. Umawit kayo sa kanya ng mga awit ng pagpupuri.
8Ang Diyos ay nakaupo sa kanyang trono at naghahari sa mga bansa.
9Nagtitipon ang mga hari ng mga bansa, kasama ang mga mamamayan ng Diyos ni Abraham. Ang mga pinuno sa mundo ay sa Diyos, at mataas ang paggalang nila sa kanya.