10Nakikita nga ng lahat, na kahit ang marurunong ay namamatay, ganoon din ang mga matitigas ang ulo at mga hangal. At maiiwan nila sa iba ang kanilang kayamanan.
11Ang kanilang libingan ay magiging bahay nila magpakailanman. Doon sila mananahan, kahit may mga lupaing nakapangalan sa kanila.
12Kahit tanyag ang tao, hindi siya magtatagal; mamamatay din siya katulad ng hayop.
13Ganito rin ang kahihinatnan ng taong nagtitiwala sa sarili, na nasisiyahan sa sariling pananalita.
14Silaʼy nakatakdang mamatay. Tulad sila ng mga tupa na ginagabayan ng kamatayan patungo sa libingan. (Pagsapit ng umaga, pangungunahan sila ng mga matuwid.) Mabubulok ang kanilang bangkay sa libingan, malayo sa dati nilang tirahan.