Awit 49

Silaʼy nakatakdang mamatay. Tulad sila ng mga tupa na ginagabayan ng kamatayan patungo sa libingan. (Pagsapit ng umaga, pangungunahan sila ng mga matuwid.) Mabubulok ang kanilang bangkay sa libingan, malayo sa dati nilang tirahan.

Psalm 49:14 (UKJV) Like sheep they are laid in the grave; death shall feed on them; and the upright shall have dominion over them in the morning; and their beauty shall consume in the grave from their dwelling.

12Kahit tanyag ang tao, hindi siya magtatagal; mamamatay din siya katulad ng hayop.

13Ganito rin ang kahihinatnan ng taong nagtitiwala sa sarili, na nasisiyahan sa sariling pananalita.

14Silaʼy nakatakdang mamatay. Tulad sila ng mga tupa na ginagabayan ng kamatayan patungo sa libingan. (Pagsapit ng umaga, pangungunahan sila ng mga matuwid.) Mabubulok ang kanilang bangkay sa libingan, malayo sa dati nilang tirahan.

15Ngunit tutubusin naman ako ng Diyos mula sa kapangyarihan ng kamatayan. Tiyak na ililigtas niya ako.

16Huwag kang mangamba kung yumayaman ang iba at ang kanilang kayamanan ay lalo pang nadadagdagan,

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.