14Silaʼy nakatakdang mamatay. Tulad sila ng mga tupa na ginagabayan ng kamatayan patungo sa libingan. (Pagsapit ng umaga, pangungunahan sila ng mga matuwid.) Mabubulok ang kanilang bangkay sa libingan, malayo sa dati nilang tirahan.
15Ngunit tutubusin naman ako ng Diyos mula sa kapangyarihan ng kamatayan. Tiyak na ililigtas niya ako.
16Huwag kang mangamba kung yumayaman ang iba at ang kanilang kayamanan ay lalo pang nadadagdagan,
17dahil hindi nila ito madadala kapag silaʼy namatay. Ang kanilang kayamanan ay hindi madadala sa libingan.
18Sa buhay na ito, itinuturing nila na pinagpala sila ng Diyos, at pinupuri din sila ng mga tao dahil nagtagumpay sila.