15Ngunit tutubusin naman ako ng Diyos mula sa kapangyarihan ng kamatayan. Tiyak na ililigtas niya ako.
16Huwag kang mangamba kung yumayaman ang iba at ang kanilang kayamanan ay lalo pang nadadagdagan,
17dahil hindi nila ito madadala kapag silaʼy namatay. Ang kanilang kayamanan ay hindi madadala sa libingan.
18Sa buhay na ito, itinuturing nila na pinagpala sila ng Diyos, at pinupuri din sila ng mga tao dahil nagtagumpay sila.
19Ngunit makakasama pa rin sila ng kanilang mga ninunong namatay na, doon sa lugar na hindi sila makakakita ng liwanag.