6Sila ay nagtitiwala sa kanilang kayamanan at dahil dito ay nagmamayabang.
7Ngunit walang may kakayahang tubusin ang kanyang sarili mula sa kamatayan, kahit magbayad pa siya sa Diyos.
8Dahil napakamahal ang pagtubos sa isang buhay; hindi sapat ang anumang pambayad
9upang ang taoʼy mabuhay magpakailanman, at hindi na mamatay.
10Nakikita nga ng lahat, na kahit ang marurunong ay namamatay, ganoon din ang mga matitigas ang ulo at mga hangal. At maiiwan nila sa iba ang kanilang kayamanan.