4Itutuon ko ang aking pansin sa mga kawikaan, at ipapaliwanag ko ang kahulugan nito, habang tinutugtog ko ang alpa.
5Bakit ako matatakot kung may parating na panganib, o kung akoʼy mapaligiran ng aking mga kaaway?
6Sila ay nagtitiwala sa kanilang kayamanan at dahil dito ay nagmamayabang.
7Ngunit walang may kakayahang tubusin ang kanyang sarili mula sa kamatayan, kahit magbayad pa siya sa Diyos.
8Dahil napakamahal ang pagtubos sa isang buhay; hindi sapat ang anumang pambayad