2Dakila ka man o aba, mayaman ka man o dukha, makinig ka,
3dahil magsasalita ako na puno ng karunungan, at puno rin ng pang-unawa ang aking kaisipan.
4Itutuon ko ang aking pansin sa mga kawikaan, at ipapaliwanag ko ang kahulugan nito, habang tinutugtog ko ang alpa.
5Bakit ako matatakot kung may parating na panganib, o kung akoʼy mapaligiran ng aking mga kaaway?
6Sila ay nagtitiwala sa kanilang kayamanan at dahil dito ay nagmamayabang.