1Makinig kayo, lahat ng bansa, kayong lahat na nananahan dito sa mundo!
2Dakila ka man o aba, mayaman ka man o dukha, makinig ka,
3dahil magsasalita ako na puno ng karunungan, at puno rin ng pang-unawa ang aking kaisipan.
4Itutuon ko ang aking pansin sa mga kawikaan, at ipapaliwanag ko ang kahulugan nito, habang tinutugtog ko ang alpa.