Awit 51

Ngunit ang nais nʼyoy isang pusong tapat kahit noong akoʼy nasa sinapupunan pa lamang; pinuspos nʼyo ako ng karunungan.

Psalm 51:6 (UKJV) Behold, you desire truth in the inward parts: and in the hidden part you shall make me to know wisdom.

4Tanging sa inyo lamang ako tunay na nagkasala. Di kalugod-lugod sa inyong harapan ang aking ginawa. Kaya ang inyong paghuhusga sa akin ay makatarungan. Nararapat lamang na akoʼy inyong hatulan.

5Tunay ngang akoʼy makasalanan, mula pa noong akoʼy isilang; kahit noong akoʼy ipinagbubuntis pa lamang ng aking ina.

6Ngunit ang nais nʼyoy isang pusong tapat kahit noong akoʼy nasa sinapupunan pa lamang; pinuspos nʼyo ako ng karunungan.

7Linisin at hugasan nʼyo ako sa aking mga kasalanan upang lubusan luminis ang pusoʼt kaluluwa ko.

8Ipadama nʼyo sa akin ang kasiyahan at kaligayahan upang sa aba kong kalagayan, ay muli kong makamtan ang kagalakan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.