1Ikaw na taong matapang, bakit mo ipinagyayabang ang iyong kasamaan? Hindi baʼt ang Diyos ay palaging mabuti sa iyo?
2Sa pagbabalak mo ng masama laban sa iba, kasintalim ng pang-ahit ang iyong dila, at lagi kang nagsisinungaling.
3Minamahal mo ang kasamaan kaysa sa kabutihan, at mas nais mong magsinungaling kaysa magsabi ng katotohanan.
4Taong sinungaling, ang gusto moʼy makapanakit ng iba sa pamamagitan ng iyong pananalita.
5Ngunit dudurugin ka ng Diyos nang tuluyan. Dadakpin ka at kakaladkarin palabas ng bahay; bubunutin ka mula rito sa mundo ng mga buháy.