Awit 53

Ngunit manginginig sila sa takot, kahit sa mga bagay na hindi dapat katakutan. Sapagkat ikakalat ng Diyos ang mga buto ng mga sumasalakay sa inyo. Malalagay sila sa kahihiyan, dahil itinakwil sila ng Panginoon.

Psalm 53:5 (UKJV) There were they in great fear, where no fear was: for God has scattered the bones of him that camps against you: you have put them to shame, because God has despised them.

3Ngunit ang lahat ay naligaw ng landas at pare-parehong nabulok ang pagkatao. Wala kahit isa man ang gumagawa ng mabuti.

4Kailan kaya matututo ang masasamang tao? Sinasamantala nila ang aking mga kababayan para sa kanilang pansariling kapakanan. At hindi sila nananalangin sa Diyos.

5Ngunit manginginig sila sa takot, kahit sa mga bagay na hindi dapat katakutan. Sapagkat ikakalat ng Diyos ang mga buto ng mga sumasalakay sa inyo. Malalagay sila sa kahihiyan, dahil itinakwil sila ng Panginoon.

6Sanaʼy dumating na ang Tagapagligtas ng Israel mula sa Zion! Magsasaya ang mga Israelita, ang mga mamamayan ng Diyos, kapag naibalik na niya ang kanilang kasaganaan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.