4Kailan kaya matututo ang masasamang tao? Sinasamantala nila ang aking mga kababayan para sa kanilang pansariling kapakanan. At hindi sila nananalangin sa Diyos.
5Ngunit manginginig sila sa takot, kahit sa mga bagay na hindi dapat katakutan. Sapagkat ikakalat ng Diyos ang mga buto ng mga sumasalakay sa inyo. Malalagay sila sa kahihiyan, dahil itinakwil sila ng Panginoon.
6Sanaʼy dumating na ang Tagapagligtas ng Israel mula sa Zion! Magsasaya ang mga Israelita, ang mga mamamayan ng Diyos, kapag naibalik na niya ang kanilang kasaganaan.