1O Diyos, iligtas nʼyo ako sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan at patunayan nʼyong wala akong kasalanan.
2O Diyos, ang panalangin koʼy dinggin. Pakinggan nʼyo po ang kahilingan ko.
3Sapagkat sinasalakay ako ng mga dayuhan upang akoʼy patayin. Malulupit sila at hindi kumikilala sa inyo.
4Kayo, O Diyos ang tumutulong sa akin. Kayo, Panginoon ang aking maaasahan.
5Ibalik nʼyo sana sa aking mga kaaway ang kanilang kasamaan. O Diyos, sa inyong pagkamatapat, lipulin nʼyo sila.