16Ngunit ako ay humihingi ng tulong sa Panginoong Diyos, at inililigtas niya ako.
17Umaga, tanghali at gabi, dumadaing ako at nananaghoy, at akoʼy pinapakinggan niya.
18Inililigtas niya ako at iniingatan sa aking pakikipaglaban, kahit napakarami ng aking mga kalaban.
19Pakikinggan ako ng Diyos na naghahari magpakailanman, at ibabagsak niya ang aking mga kaaway. Dahil ang aking mga kaaway ay hindi nagbabago at walang takot sa Diyos.
20Kinalaban ng dati kong kaibigan ang kanyang mga kaibigan; at hindi niya tinupad ang kanyang mga pangako.