Awit 55

Ngunit ako ay humihingi ng tulong sa Panginoong Diyos, at inililigtas niya ako.

Psalm 55:16 (UKJV) As for me, I will call upon God; and the LORD shall save me.

14Dati, malapít kami sa isaʼt isa, at magkasama pa kaming pumupunta sa bahay ng Diyos.

15Sanaʼy mamatay na lang bigla ang aking mga kaaway. Sanaʼy malibing silang buhay sa lugar ng mga patay. Sapagkat kasamaan ang nasa puso nila at sa kanilang mga tahanan.

16Ngunit ako ay humihingi ng tulong sa Panginoong Diyos, at inililigtas niya ako.

17Umaga, tanghali at gabi, dumadaing ako at nananaghoy, at akoʼy pinapakinggan niya.

18Inililigtas niya ako at iniingatan sa aking pakikipaglaban, kahit napakarami ng aking mga kalaban.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.