Awit 55

Sanaʼy mamatay na lang bigla ang aking mga kaaway. Sanaʼy malibing silang buhay sa lugar ng mga patay. Sapagkat kasamaan ang nasa puso nila at sa kanilang mga tahanan.

Psalm 55:15 (UKJV) Let death seize upon them, and let them go down quick into hell: for wickedness is in their dwellings, and among them.

13Ngunit mismong kagaya ko, kasama ko at kaibigan ko ang sa akin ay nang-iinsulto.

14Dati, malapít kami sa isaʼt isa, at magkasama pa kaming pumupunta sa bahay ng Diyos.

15Sanaʼy mamatay na lang bigla ang aking mga kaaway. Sanaʼy malibing silang buhay sa lugar ng mga patay. Sapagkat kasamaan ang nasa puso nila at sa kanilang mga tahanan.

16Ngunit ako ay humihingi ng tulong sa Panginoong Diyos, at inililigtas niya ako.

17Umaga, tanghali at gabi, dumadaing ako at nananaghoy, at akoʼy pinapakinggan niya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.