Awit 57

Kahabagan ninyo ako, O Diyos, mahabag kayo sa akin. Sapagkat sa inyo ako kumukubli. Akoʼy kukubli sa ilalim ng inyong mga pakpak, hanggang sa ang panganib ay lumipas.

Psalm 57:1 (UKJV) Be merciful unto me, O God, be merciful unto me: for my soul trusts in you: yea, in the shadow of your wings will I make my refuge, until these calamities pass over.

1Kahabagan ninyo ako, O Diyos, mahabag kayo sa akin. Sapagkat sa inyo ako kumukubli. Akoʼy kukubli sa ilalim ng inyong mga pakpak, hanggang sa ang panganib ay lumipas.

2Sa Kataas-taasang Diyos akoʼy tumatawag, sa kanya na nagsasagawa ng layunin sa aking buhay.

3Mula sa langit akoʼy kanyang tutulungan at ililigtas. Inilalagay nʼya sa kahihiyan ang mga kaaway ko. Ipapakita nʼya ang kanyang pag-ibig at katapatan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.