Awit 6

O Panginoon, huwag nʼyo po akong sawayin kapag kayoʼy galit sa akin; Huwag nʼyo po akong parusahan kapag kayoʼy napopoot sa akin.

Psalm 6:1 (UKJV) O LORD, rebuke me not in yours anger, neither chasten me in your hot displeasure.

1O Panginoon, huwag nʼyo po akong sawayin kapag kayoʼy galit sa akin; Huwag nʼyo po akong parusahan kapag kayoʼy napopoot sa akin.

2Akoʼy inyong kahabagan sa aking kahinaan, at pagalingin ang dumaraing kong kalamnan.

3Akoʼy labis na nababagabag. Hanggang kailan, O Panginoon, hanggang kailan ako magiging ganito?

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.