Awit 6

Akoʼy inyong kahabagan sa aking kahinaan, at pagalingin ang dumaraing kong kalamnan.

Psalm 6:2 (UKJV) Have mercy upon me, O LORD; for I am weak: O LORD, heal me; for my bones are vexed.

1O Panginoon, huwag nʼyo po akong sawayin kapag kayoʼy galit sa akin; Huwag nʼyo po akong parusahan kapag kayoʼy napopoot sa akin.

2Akoʼy inyong kahabagan sa aking kahinaan, at pagalingin ang dumaraing kong kalamnan.

3Akoʼy labis na nababagabag. Hanggang kailan, O Panginoon, hanggang kailan ako magiging ganito?

4Panginoon akoʼy inyong dinggin at akoʼy sagipin. Iligtas nʼyo ako sa kamatayan alang-alang sa pag-ibig nʼyo sa akin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.