Awit 6

Narinig niya ang paghingi ko ng tulong, at sasagutin niya ang aking dalangin.

Psalm 6:9 (UKJV) The LORD has heard my supplication; the LORD will receive my prayer.

7Ang paningin koʼy nanlalabo dahil sa sobrang lungkot ko; Ang mga mata koʼy namumugto dahil sa mga kaaway ko.

8Layuan nʼyo ako, kayong gumagawa ng masama, sapagkat dininig na ng Panginoon ang aking pag-iyak.

9Narinig niya ang paghingi ko ng tulong, at sasagutin niya ang aking dalangin.

10Mapapahiya at matatakot ang lahat ng aking kaaway; Bigla silang tatakas dahil sa sobrang kahihiyan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.