5Sa Diyos ko lang matatamo ang kapahingahan dahil binibigyan niya ako ng pag-asa.
6Siya lang ang aking batong kanlungan at kaligtasan. Siya ang aking tanggulan kaya ligtas ako sa kapahamakan.
7Nasa Diyos ang aking kaligtasan at karangalan. Siya ang matibay kong batong kanlungan. Siya ang nag-iingat sa akin.
8Kayong mga mamamayan ng Diyos, magtiwala kayo sa kanya sa lahat ng oras! Sabihin sa kanya ang lahat ng inyong suliranin, dahil siya ang ating kanlungan.
9Ang tao, dakila man o mangmang ay hindi mapagkakatiwalaan. Pareho lang silang walang kabuluhan. Magaan pa sila kaysa sa hangin kapag tinimbang.