Awit 62

Kayong mga mamamayan ng Diyos, magtiwala kayo sa kanya sa lahat ng oras! Sabihin sa kanya ang lahat ng inyong suliranin, dahil siya ang ating kanlungan.

Psalm 62:8 (UKJV) Trust in him at all times; all of you people, pour out your heart before him: God is a refuge for us. Selah.

6Siya lang ang aking batong kanlungan at kaligtasan. Siya ang aking tanggulan kaya ligtas ako sa kapahamakan.

7Nasa Diyos ang aking kaligtasan at karangalan. Siya ang matibay kong batong kanlungan. Siya ang nag-iingat sa akin.

8Kayong mga mamamayan ng Diyos, magtiwala kayo sa kanya sa lahat ng oras! Sabihin sa kanya ang lahat ng inyong suliranin, dahil siya ang ating kanlungan.

9Ang tao, dakila man o mangmang ay hindi mapagkakatiwalaan. Pareho lang silang walang kabuluhan. Magaan pa sila kaysa sa hangin kapag tinimbang.

10Huwag kayong umasa sa perang nakuha sa pangingikil at pagnanakaw. Dumami man ang inyong kayamanan, huwag ninyo itong mahalin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.