Awit 62

Huwag kayong umasa sa perang nakuha sa pangingikil at pagnanakaw. Dumami man ang inyong kayamanan, huwag ninyo itong mahalin.

Psalm 62:10 (UKJV) Trust not in oppression, and become not vain in robbery: if riches increase, set not your heart upon them.

8Kayong mga mamamayan ng Diyos, magtiwala kayo sa kanya sa lahat ng oras! Sabihin sa kanya ang lahat ng inyong suliranin, dahil siya ang ating kanlungan.

9Ang tao, dakila man o mangmang ay hindi mapagkakatiwalaan. Pareho lang silang walang kabuluhan. Magaan pa sila kaysa sa hangin kapag tinimbang.

10Huwag kayong umasa sa perang nakuha sa pangingikil at pagnanakaw. Dumami man ang inyong kayamanan, huwag ninyo itong mahalin.

11Hindi lang isang beses kong narinig na sinabi ng Diyos na nasa kanya ang kapangyarihan

12at tapat ang kanyang pag-ibig. Tiyak na gagantimpalaan ng Panginoon ang tao ayon sa kanyang mga ginawa.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.