Awit 63

Masisiyahan ako tulad ng taong nabusog sa malinamnam na handaan. At magpupuri ako sa inyo ng awit ng kagalakan.

Psalm 63:5 (UKJV) My soul shall be satisfied as with marrow and fatness; and my mouth shall praise you with joyful lips:

3Akoʼy magpupuri sa inyo, sapagkat ang inyong wagas na pag-ibig ay mas mainam pa kaysa buhay.

4Pasasalamatan ko kayo habang akoʼy nabubuhay. Itataas ko ang aking mga kamay sa paglapit sa inyo.

5Masisiyahan ako tulad ng taong nabusog sa malinamnam na handaan. At magpupuri ako sa inyo ng awit ng kagalakan.

6Sa aking paghimlay, kayo ang naaalala ko. Sa buong magdamag, kayo ang iniisip ko.

7Dahil kayo ang tumutulong sa akin, aawit ako, habang akoʼy nasa inyong kalinga.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.