Awit 64

Nagbabalak sila ng masama at sinasabi, “Napakaganda ng plano natin!” Talagang napakatuso ng isip at puso ng tao!

Psalm 64:6 (UKJV) They search out iniquities; they accomplish a diligent search: both the inward thought of every one of them, and the heart, is deep.

4Nagsasalita sila ng masakit sa likod ng mga taong matuwid na parang namamana nang patago. Bigla nila itong ginagawa nang walang katakot-takot.

5Hinihikayat nila ang isaʼt isa na gumawa ng kasamaan at pinag-uusapan nila kung saan maglalagay ng bitag. Sinasabi nila, “Walang makakakita nito.”

6Nagbabalak sila ng masama at sinasabi, “Napakaganda ng plano natin!” Talagang napakatuso ng isip at puso ng tao!

7Ngunit papanain sila ng Diyos at bigla na lang silang masusugatan.

8Mapapahamak sila dahil sa masasama nilang salita, kukutyain sila ng mga makakakita sa kanila.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.