Awit 64

Mapapahamak sila dahil sa masasama nilang salita, kukutyain sila ng mga makakakita sa kanila.

Psalm 64:8 (UKJV) So they shall make their own tongue to fall upon themselves: all that see them shall flee away.

6Nagbabalak sila ng masama at sinasabi, “Napakaganda ng plano natin!” Talagang napakatuso ng isip at puso ng tao!

7Ngunit papanain sila ng Diyos at bigla na lang silang masusugatan.

8Mapapahamak sila dahil sa masasama nilang salita, kukutyain sila ng mga makakakita sa kanila.

9At lahat ng tao ay matatakot. Pag-iisipan nila ang mga ginawa ng Diyos at ipahahayag ito sa iba.

10Magagalak at manganganlong sa Panginoon ang lahat ng matuwid. At magpupuri sa kanya ang mga gumagawa ng tama.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.