Awit 65

Pinaulanan nʼyong mabuti ang lupang binungkal hanggang sa itoʼy lumambot at mapuno na ng tubig. Pagkatapos ay pinagpapala nʼyo ang mga pananim.

Psalm 65:10 (UKJV) You water the ridges thereof abundantly: you settle the furrows thereof: you make it soft with showers: you bless the springing thereof.

8Dahil sa inyong mga kahanga-hangang ginawa, namamangha sa inyo pati ang mga nakatira sa malayong lugar. Mula sa silangan hanggang kanluran, ang mga tao ay napapasigaw sa tuwa dahil sa inyo.

9Inaalagaan nʼyo ang lupa at dinidiligan ng ulan. Pinabubunga at pinatataba nʼyo ito. Ang mga ilog, O Diyos, ay patuloy ninyong pinaaagos. Binibigyan nʼyo ng ani ang mga tao. Ganito ang itinakda ninyo.

10Pinaulanan nʼyong mabuti ang lupang binungkal hanggang sa itoʼy lumambot at mapuno na ng tubig. Pagkatapos ay pinagpapala nʼyo ang mga pananim.

11Pinag-aapaw nʼyo ang panahon ng anihan, at saan ka man dumaan ay puno ng kasaganaan.

12Kahit na ang ilang ay naging pastulan dahil sagana sa mga damo at ang mga burol ay parang mga taong puno ng kagalakan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.