Awit 65

Inaalagaan nʼyo ang lupa at dinidiligan ng ulan. Pinabubunga at pinatataba nʼyo ito. Ang mga ilog, O Diyos, ay patuloy ninyong pinaaagos. Binibigyan nʼyo ng ani ang mga tao. Ganito ang itinakda ninyo.

Psalm 65:9 (UKJV) You visit the earth, and water it: you greatly enrich it with the river of God, which is full of water: you prepare them corn, when you have so provided for it.

7Pinatatahimik nʼyo ang ingay ng mga alon, ang hampas ng karagatan, at ang pagkakagulo ng mga tao.

8Dahil sa inyong mga kahanga-hangang ginawa, namamangha sa inyo pati ang mga nakatira sa malayong lugar. Mula sa silangan hanggang kanluran, ang mga tao ay napapasigaw sa tuwa dahil sa inyo.

9Inaalagaan nʼyo ang lupa at dinidiligan ng ulan. Pinabubunga at pinatataba nʼyo ito. Ang mga ilog, O Diyos, ay patuloy ninyong pinaaagos. Binibigyan nʼyo ng ani ang mga tao. Ganito ang itinakda ninyo.

10Pinaulanan nʼyong mabuti ang lupang binungkal hanggang sa itoʼy lumambot at mapuno na ng tubig. Pagkatapos ay pinagpapala nʼyo ang mga pananim.

11Pinag-aapaw nʼyo ang panahon ng anihan, at saan ka man dumaan ay puno ng kasaganaan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.