9Nagpadala kayo ng masaganang ulan at ang lupang tigang na ipinamana nʼyo sa inyong mga mamamayan ay naginhawahan.
10Doon sila nanirahan, at sa inyong kagandahang-loob ay binigyan nʼyo ang mga mahihirap ng kanilang mga pangangailangan.
11Panginoon, nagpadala kayo ng mensahe, at itoʼy ibinalita ng maraming kababaihan:
12“Nagsisitakas ang mga hari at ang kanilang mga hukbo! Ang mga naiwan nilang kayamanan ay pinaghati-hatian ng mga babaeng nasa mga kabahayan.
13Kahit na ang mga tagapag-alaga ng hayop ay nakakuha ng mga naiwang bagay gaya ng imahen ng kalapati, na ang mga pakpak ay nababalutan ng pilak at ang dulo nito ay nababalutan ng purong ginto.”