17Dumating ang Panginoong Diyos sa kanyang banal na lugar mula sa Sinai kasama ang libu-libo niyang karwahe.
18Nang umakyat siya sa mataas na lugar, marami siyang dinalang bihag. Tumanggap siya ng regalo mula sa mga tao, pati na sa mga naghimagsik sa kanya. At doon maninirahan ang Panginoong Diyos.
19Purihin ang Panginoon, ang Diyos na ating Tagapagligtas na tumutulong sa ating mga suliranin sa bawat araw.
20Ang ating Diyos ang siyang Diyos na nagliligtas! Siya ang Makapangyarihang Panginoon na nagliligtas sa atin sa kamatayan.
21Tiyak na babasagin ng Diyos ang ulo ng kanyang mga kaaway na patuloy sa pagkakasala.