4Awitan ninyo ang Diyos, awitan ninyo siya ng mga papuri. Purihin nʼyo siya, na siyang may hawak sa mga ulap. Ang kanyang pangalan ay Panginoon. Magalak kayo sa kanyang harapan!
5Ang Diyos na nasa kanyang banal na tahanan ang siyang nangangalaga sa mga ulila at tagapagtanggol ng mga biyuda.
6Ang mga nag-iisa sa buhay ay ihinahanap niya ng pamilyang kabibilangan. Ang mga bihag ay kanyang binibigyan ng kalayaan upang silaʼy magkaroon ng kagalakan. Ngunit ang mga taong ang uloʼy may katigasan, sa mainit at tigang na lupa maninirahan.
7O Diyos, nang pangunahan ninyo sa ilang ang inyong mga mamamayan,
8nayanig ang lupa at bumuhos ang ulan sa inyong harapan, O Diyos ng Israel na nagpahayag sa Sinai.