13Ngunit dumadalangin ako sa inyo, Panginoon. Sa inyong tinakdang panahon, sagutin nʼyo ang dalangin ko ayon sa tindi ng inyong pagmamahal sa akin. Dahil sa tapat kayo sa inyong pagliligtas,
14tulungan nʼyo akong huwag lumubog sa putikan. Iligtas nʼyo ako sa aking mga kaaway na parang inililigtas nʼyo ako mula sa malalim na tubig.
15Huwag nʼyong hayaang tabunan ako ng mga alon o lamunin ng kailaliman o makulong sa bibig ng kamatayan.
16Sagutin nʼyo ako, Panginoon, dahil sa inyong kabutihan at pagmamahal sa akin. Kahabagan nʼyo ako at bigyang-pansin.
17Huwag kayong tumalikod sa akin na inyong lingkod. Sagutin nʼyo agad ako sapagkat nasa kagipitan ako.