15Huwag nʼyong hayaang tabunan ako ng mga alon o lamunin ng kailaliman o makulong sa bibig ng kamatayan.
16Sagutin nʼyo ako, Panginoon, dahil sa inyong kabutihan at pagmamahal sa akin. Kahabagan nʼyo ako at bigyang-pansin.
17Huwag kayong tumalikod sa akin na inyong lingkod. Sagutin nʼyo agad ako sapagkat nasa kagipitan ako.
18Lumapit kayo sa akin at iligtas ako sa aking mga kaaway.
19Alam nʼyo kung paano nila ako hinihiya at iniinsulto. Alam nʼyo rin kung sino ang lahat ng kaaway ko.