20Nasaktan ako sa kanilang panghihiya sa akin at sumama ang loob ko. Naghintay ako na may dadamay at aaliw sa akin, ngunit wala ni isa man.
21Nilagyan nila ng lason ang aking pagkain at nang akoʼy mauhaw, binigyan nila ako ng suka.
22Habang kumakain sila at nagdiriwang, mapahamak sana sila at ang kanilang mga kasama.
23Mabulag sana sila at laging manginig.
24Ibuhos at ipakita nʼyo sa kanila ang inyong matinding galit.