Awit 71

Ihahayag ko ang inyong mga kahanga-hangang gawa, O Makapangyarihang Panginoon; Ihahayag ko sa mga tao na kayo ay makatarungan; Oo, kayo lamang.

Psalm 71:16 (UKJV) I will go in the strength of the Lord GOD: I will make mention of your righteousness, even of yours only.

14Ngunit ako, O Diyos ay palaging aasa at lalo pang magpupuri sa inyo.

15Maghapon kong sasabihin na matuwid kayo at nagliligtas, kahit na hindi ko lubusang maunawaan.

16Ihahayag ko ang inyong mga kahanga-hangang gawa, O Makapangyarihang Panginoon; Ihahayag ko sa mga tao na kayo ay makatarungan; Oo, kayo lamang.

17O Diyos, mula pagkabataʼy itinuro nʼyo na sa akin ang tungkol sa inyong mga kahanga-hangang gawa at hanggang ngayon, inihahayag ko ito sa mga tao.

18At ngayong akoʼy matanda na at maputi na ang buhok, huwag nʼyo akong pabayaan, O Diyos. Maihayag ko sana ang inyong lakas at kapangyarihan sa susunod na henerasyon, at sa lahat ng mga darating sa hinaharap.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.